Ang
Republika ng Kuba o
Kuba (
internasyunal:
Republic of Cuba) ay binubuo ng mga pulo ng Cuba (ang pinakamalaki sa Kalakhang Antilles o
Greater Antilles), ang Maliit na Pulo ng Kabataan (
Isle of Youth) at iba't ibang karatig na maliliit na pulo. Nagmula ang salitang Cuba sa salitang Taino na "cubanacán", na nangangahulugang gitnang lugar. Matatagpuan ito sa hilagang
Caribbean sa pagsasamang pagdaloy ng
Dagat Carribean, Gulpo ng Mehiko at ang Karagatang Atlantic. Matatagpuan naman sa hilaga ang
Estados Unidos, sa hilaga-silangan ang
Bahamas, sa silangan ang Mga Pulo ng Turks at Caicos, sa kanluran ang
Mehiko, sa timog ang Mga Pulo ng Cayman at
Hamayka, at sa timog-silangan ang
Haiti.