Kubo ni Rubik


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Kubo ni Rubik
Ang Rubik's Cube (o Kubo ni Rubik) ay isang laruang hugis kahon o kubo. Isa itong palaisipang bloke na ginagamitan ng pamamaraan (mechanical puzzle) para mapagsama-sama ang mga magkakatulad na kulay sa bawat mukha nito. Nilikha ito ni Erno Rubik, isang Hunggaryong manguukit at guro ng arkitektura, noong 1974. Una itong tinawag na Magic Cube (blokeng may salamangka [literal na salin]) ng tagapaglikha nito, ngunit muling pinangalanang Rubik's Cube ng Ideal Toy Company noong 1980 at nanalo ng natatanging gantimpala bilang Pinakanatatanging Palaisipan (Best Puzzle) sa Taunang Paligsahan ng mga Laro (Spiel des Jahres) sa Alemanya noong 1980. Sinasabing ito ang pinakamabiling laruan sa mundo, na may mga 300,000,000 gaya-gayang Rubik's Cube na naipagbili sa buong mundo.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.