Ang mga
Kuwebang Tabon o mga
Yungib sa Tabon ay mga kumpol ng kuweba sa
Palawan,
Pilipinas. Kilala ang mga kwebang ito dahil sa pangibabaw na panakip ng bungo ng
Taong Tabon na mayroon nang 22,000 taong gulang. Nadiskubre ito at ang
kuweba ni Dr. Robert Fox at ng kanyang grupong nagmula pa sa
Pambansang Museo ng Pilipinas. Sinasabing may kalahating milyong taong gulang na at pinamahayan sa loob ng 50,000 taong nakalipas.