Ang
Labyrinthodontia (Griyeong "may ngiping maze") ay isang
ekstinkt na subklase ng
ampibyan na bumubuo ng ilan sa mga nanaig na hayop sa panahong Huling
Paleosoiko at Simulang
Mesosoiko mga 360 hanggang 150 milyong taon ang nakalilipas. Ang pangkat na ito ay ninuno ng lahat ng mga nabubuhay na
tetrapoda at sa gayon ay bumubuo ng isang ebolusyonaryong grado(isang parapiletikong pangkat) kesa sa isang natural na pangkat(klado). Ang pangalang ito ay naglalarawan ng paterno ng mga panloob nga tiklop ng
dentin at enamel ng ngipin na kadalasan ang tanging bahagi ng mga organismong ito na na-
fossila. Ang mga ito ay maitatangi rin sa isang mabigat na armoradong bubong ng bungo(at kaya ang mas matandang pangalan na "Stegocephalia") at komplikadong
vertebrae na istrakturang magagamit sa mas matandang mga klasipikasyon ng pangkat. Dahil ang mga labyronthodont ay hindi bumubuo ng isang natural na pangkat, maraming mga modernong mananaliksik ay lumisan sa terminong ito. Gayunpaman, ang ilan ay nagpapatuloy sa paggamit ng pangkat sa mga klasipikasyon nito kahit paano ay ng impormal habang naghihintay ng mas detalyadong pag-aaral ng mga relasyon nito.