Lakas


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Lakas
Sa pisika, ang lakas o power ang halaga ng enerhiya na nakokonsumo kada unit ng panahon. Sa sistemang MKS, ang unit ng lakas ang joule kada segundo (J/s) na kilala bilang watt. Halimbawa, ang rate na binabago ng bombilya ang enerhiyang elektrikal tungo sa init at liwanag ay nasusukat ng watts. Ang mas maraming wattage ay mas maraming lakas o sa katumbas ay mas maraming enerhiyang elektrikal ang ginagamit kada unit ng panahon. Ang paglilipat ng enerhiya ay magagamit upang gumawa ng isang gawain kaya ang lakas ay ang rate rin na isinasagawa ang gawaing ito. Ang output power ng isang elektrikong motor ang produkto ng torque ng motor na lumilikha ng anggular na belosidad ng output shaft nito. Ang integral ng lakas sa paglipas ng panahon ay naglalarawan sa gawang nagawa. Dahil ang integral na ito ay nakasalalay sa trahektorya ng punto ng paglalapat ng puwersa at torque, ang pagkukuwenta ng gawa ay sinasabing nakasalalay sa landas.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...

 
Lakas Kampi CMD
Ang Lakas Kampi Christian-Muslim Democrats, na kilala rin bilang Lakas Kampi CMD ay ang kasalukuyang namumunong partido pulitikal sa Pilipinas. Kilala rin ito bilang sentrista, at kasapi ito ng Internasyonal Demokratang Sentrista.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.