Lampreya


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Lampreya
Ang lampreya, lamprey, o lamprea (na tinatawag ding igat na lampreya o lampreyang palos [bagaman hindi naman talaga mga igat o palos], mula sa Ingles na lamprey eel at tinatawag ding lamprey lamang) ay isang isdang kahawig ng mga igat at mga palos, at walang mga panga (mga Agnatha) ngunit may mga ngipin, at tila embudo o balinsunsong (parang tsimineya) ang bungangang sumisipsip o humihigop. Bagaman kilalang-kilala ang mga lampreya dahil sa mga uring bumubutas ng mga laman o katawan ng iba pang mga isda upang makasipsip ng dugo, kakaunti lamang ganitong mga uri o nasa minoridad lang. Sa soolohiya, kalimitang hindi itinuturing na tunay na isda ang mga lampreya dahil sa kanilang napakakakaibang morpolohiya at pisyolohiya.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.