Si
Sir Lancelot, na binabaybay din bilang
Launcelot, ay isang tauhan sa alamat ni
Haring Arturo, at isang
Kabalyero ng Mesang Bilog. Siya ang isa sa pinaka pinagkakatiwalaang mga kabalyero ng
Bilog na Mesa ni Haring Arturo, subalit dagliang nagbago ang katayuang ito nang umibig siya sa asawa ni Haring Arturo na si Reyna Guinevere. Si Ginoong Lancelot ay pinalaki ng Babae ng Lawa, kaya't nakikilala rin siya sa pamagat na
Lancelot du Lac sa wikang Pranses, na katumbas ng
Lancelot of the Lake sa wikang Ingles, at mayroong kahulugang si
Lancelot ng Lawa. Si Lancelot lamang ang tanging kabalyerong nalalaman na nakagapi kay Haring Arturo habang nagaganap ang isang paligsahan ng
jousting.