Ang
Latin ay isang
wikang Indo-Europeo na unang sinalita sa rehiyong pumapalibot sa
Lungsod ng Roma na tinatawag na Latium. Nagkamit ito ng dakilang kahalagahan bilang opisyal na wika ng
Imperyong Romano. Ang lahat ng mga wikang Romans, tulad ng
Kastila,
Pranses,
Portuges,
Italyano, at Romaniano, ay umapo mula sa Latin, at mahahanap ang maraming mga salitang batay sa Latin sa iba pang mga makabagong wika tulad ng
Inggles (madalas sa pamamagitan ng French) at pati na rin ang mga katutubong
wika ng Pilipinas (madalas sa pamamagitan ng Kastila). Ang
alpabetong Latin, hango sa sinaunang alpabetong Italiko na sa huli rin ay hango sa
alpabetong Griyego, ang nananatiling pinakaginagamit na
alpabeto sa daigdig. Bukod dito ang Latin ang
lingua franca, ang wika ng
agham at
politika, ng
Kanluraning daigdig ng higit 1000 taon, pinalitan pagkatapos ng French noong ika-18 dantaon at ng Inggles noong ika-19 dantaon. Nananatili ang
Lating Pansimbahan (
Latina Ecclesiastica) bilang pormal na wika ng
Simbahang Katoliko at, hanggang sa ngayon, ang opisyal na wika ng
Batikano. Ginamit ng Simbahan ang Latin bilang pangunahing banal na wika hanggang noong Ikalawang Kapulungang Batikano noong dekada 1960. Ginagamit pa rin (hango sa mga ugat na
Griyego) ang Latin upang ipagkaloob ang mga pangalang ginagamit sa siyentipikong pagsasauri ng mga bagay na may buhay. Ang makabagong pag-aaral ng Latin, kasama ng Griyego, ay kilala bilang mga Klasik.