Ang
Libano o
Lebanon (
Arabo: لبنان
Loubnân;
Pranses:
Liban) ay isang maliit at mabundok na bansa na napaparoon sa silangang dulo ng
Dagat Mediterraneo. Hinahangganan ito ng
Sirya sa silangan at hilaga, at ng
Israel sa timog. Nanggaling ang pangalang
Lebanon mula sa Semitikong ugat na
LVN, nangangahulugang ang mga “puting” tuktok ng Bulubunduking Libano (Bundok Libano).