Si
Leonardo da Vinci (Vinci,
Italya,
Abril 15,
1452 –
Mayo 2,
1519, Cloux,
Pransya), na may kahulugang
Leonardo ng Vinci, ay isang Italyanong Renasimyentong polimata: isang
arkitekto, embalsamador
musikero,
anatomista,
imbentor,
inhinyero,
eskultor,
heometro, at
pintor. Sinasalarawan siya bilang arketipo ng "Renasimyentong tao" at unibersal na henyo, isang tao na mausisa at maimbento. Tinuturing din siya bilang pinakadakilang pintor na nabuhay.