Ang
linggo (
Ingles:
week) ay isang yunit ng
panahon na mas mahaba sa isang
araw at mas maiksi sa isang
buwan. Sa karamihan sa makabagong kalendaryo, kasama ang
Kalendaryong Gregorian, ang isang linggo ay isang panahon na binubuo ng pitong araw. Ito ang pinakamahabang kumbensyunal na yunit ng panahon na binubuo ng tiyak na bilang ng araw. Kahit na wala itong basehan sa
astronomiya, ito ang karaniwang ginagamit na yunit ng panahon.