Ang Republika ng Litwaniya, o Litwanya sa tamang bigkas, ay isang republika sa hilagang-silangang Europa. Isa ito sa tatlong estadong Baltiko sa tabi ng Dagat Baltiko, hinahanggan ito ng kapwa estadong Baltiko na Latbiya sa hilaga, Belarus sa timog-silangan, Polonya sa timog, at ng Oblast ng Kaliningrad ng Rusya sa timog-kanluran.