Ang
Liwasang Rizal o
Parkeng Rizal ay nasa puso ng
Lungsod ng Maynila,
Pilipinas. Dating tinatawag na
Bagumbayan (mula sa "bagong bayan") noong kapanuhan ng kolonyalismo sa ilalim ng mga
Kastila, at tinawag na
Luneta pagdaka. Sa pook na ito binaril si Jose Rizal noong
Disyembre 30,
1896. Ang pagkamartir ni Rizal ang dahilan ng kaniyang pagiging bayani ng
Himagsikang Pilipino, bagkus, ipinangalan sa kanya ang liwasan para ikarangal ang kanyang pagkabayani. Pinalitan ng opisyal na pangalang Liwasang Rizal ang parke bilang parangal kay Rizal. Nagsisilbi ring punto ng orihen o
Kilometro Sero patungo sa lahat ng ibang mga kalunsuran sa Pilipinas ang monumento ni Rizal. Matatagpuan ito sa
Intramuros at ang bahaging katimugan naman ay nasa
Ermita.