Ang
Los Angeles ay isang
lungsod sa kanlurang
Kaliporniya,
Estados Unidos. Ang pangalan nito ay nanggaling sa Wikang Espanyol na Los Ángeles. Ang
Los Angeles ay ang ikalawang pinakamalaking lungsod sa bansang
Estados Unidos sa populasyon. Ito rin ay isang importanteng lugar sa buong mundo at tanyag sa pangkabuhayan, kultura, at sa pang-aliw. Ito'y sumanib sa Estado ng
Kaliporniya na isang siyudad sa ika-4 ng Abril, taong 1850. Ito rin ang nagsisilbing "county seat" para sa Los Angeles County. Ayon sa Census noong taong 2000, mayroon itong populasyon ng 3,694,820, ngunit noong nakalipas na ika-1 ng Mayo, taong 2005, ang Kagawarang Pinansyal ng Kaliporniya ay may nabilang ng 3.95 milyong katao at ang "metropolitan area" ay nagkakaloob ng 17.5 milyong katao.