Ang
Bayan ng Los Baños ay isang unang klaseng
bayan sa
lalawigan ng Laguna,
Pilipinas. Ayon sa senso noong
2000, ang bayan ay may populasyon na 82,027. May kabuuang sukat ang bayan na 56.6 kilometro kwadrado at naghahanggan sa timog at timog kanluran ng Bundok Makiling, sa hilaga ng
Look ng Bay, sa hilagang kanluran ng
Lungsod ng Calamba at sa Silangan ng bayan ng
Bay. Ang bayan ay matatagpuan 63 kilometro sa timog silangan ng
Maynila at mararating sa pamamagitan ng
South Luzon Expressway.