Ang
Lumang Tipan ay isa sa mga pangunahing bahagi ng
Bibliya. Ito ang unang mga pangkat ng mga kalipunan ng mga aklat sa Bibliyang sinusundan, ayon sa pagkakasunud-sunod na pampanahon, ng
Apokripa at ng
Bagong Tipan. Tinatawag din itong
Matandang Tipan,
Matandang Testamento, at
Lumang Testamento. Sa Ingles, tinatawag na
testament ang salitang
tipan kaya't may saling
Old Testament para sa
Lumang Tipan at
New Testament para sa
Bagong Tipan. Hinango ang
testament ng Ingles at
testamento ng Tagalog at Kastila mula sa
testamentum ng
wikang Latin, na nangangahulugang "kasunduan", "mataimtim na kasunduan," o "tipan", at naglalarawan ng uri ng ugnayang mayroon noon ang
Diyos at ang mga sinaunang
mga Israelita at unang mga
Kristiyano. Sa Katolisismo, binubuo ang Lumang Tipan ng 39 na mga aklat; karamihan sa mga ito ang hinango mula sa
Tanakh ng
Hudaismo. Ayon kay
Jose C. Abriol, may tatlong bahagi ang Lumang Tipan: ito ang
Batas o
Pentateuco, ang
Mga Propeta, at ang
Mga Salmo. Tungkol ang aklat ng
Mga Propeta sa
kasaysayan at
propesiya, samantalang hinggil sa
karunungan ang aklat ng
Mga Salmo. Ayon din kay Abriol, tungkol ang mga aklat ng
Mga Propeta sa
kasaysayan at
propesiya.