Ang
Lunes ay isang araw ng linggo sa pagitan ng
Linggo at
Martes. Ito ay pangalawa sa tradisyonal na linggo at una sa linggong pangnegosyo. Galing sa
wikang Kastila ang salitang ito na galing naman sa salitang
Lunae dies o "araw ng buwan". Ang salin ng Lunes sa
wikang Inggles ay "Monday" na galing naman sa Mona, ang diyos ng buwan ng mga Saxones.