Ang
Lungsod ng New York (opisyal:
New York City; pinapaikling
NYC) ay isa sa pinakamataong lugar sa mundo at nasa sentro ng media, pananalapi, komunikasyon, musika,
fashion, at kulturang internasyonal. Isa ang lungsod sa mga pinakamahahalagang
lungsod pandaigdig sa mundo na kung saan matatagpuan ang malawak at halos walang karibal-ribal na koleksyon ng mga museo, galeriya, at venyung pantanghalan na uring pandaigdig o
world class. Matatagpuan din dito ang karami-raming awtlets pammidiya, mga korporasyong internasyonal, at ang ilan sa mga pinakamahahalagang
bolsa o
stock exchange. Dahil tahanan nito ng
United Nations, ang lungsod ay importante sa mga internasyonal na mga relasyon.