Ang
Baguio (bigkas /bá·gyo/) ay isang
1st-class highly urbanized na lungsod sa hilagang
Luzon sa
Pilipinas at ang punong-lungsod ng
Cordillera Administrative Region. Napapalibutan ito ng probinsya ng
Benguet. Itinatag ang Baguio ng mga
Amerikano noong
1900 bilang isang bakasyonan sa panahon ng tag-araw sa isang nayon ng mga
Ibaloi na dating tinatawag na Kafagway. Ginawang "Summer Capital" ang lungsod noong ika-1 ng Hunyo, 1903 ng "Philippine Commission" at idineklarang lungsod ng "Philippine Assembly" noong ika-1 ng Setyembre, 1909. Ang pangalang
Baguio ay hango sa salitang
Ibaloi na
bagiw na ang ibig sabihin ay 'lumot'. Tinatayang nasa mahigit-kumulang sa 1500 metro(5100 talampakan) ang taas ng lungsod na naaayon para sa paglaki at pagdami ng mga punong pino at mga halamang namumulaklak.