Ang
Estado ng Lungsod ng Vaticano (
Latin:
Status Civitatis Vaticanae) ay isang engklabe na pinalilibutan ng
Roma–ang
kabiserang Italyano–at siyang bumubuó ng teritoryong soberano ng
Banal na Sede (
Sancta Sede), ang pamahalaáng sentral ng
Simbahang Katoliko. Ito ang pinakamaliit na malayang estado sa daigdig sa sukat at populasyon. Ang Lungsod ng Vaticano ang tahanan ng
Santo Papa.
Latín ang wikang opisyal ng Banal na Sede, samantalang
Alemán naman ang salità ng Suwisong Tanod.