Ang
Lungsod ng Cebu ay ang kabisera ng lalawigan ng
Cebu sa
Pilipinas at ang ikalawang pinakamahalagang
sentrong urbano ng bansa. Matatagpuan ang
lungsod sa
pulo ng Cebu at ang pinakamatandang paninirahang Kastila sa bansa, mas matanda pa sa kapital ng bansa, ang
Maynila. Isa itong pangunahing daungan at tahanan ng mahigit sa 80% ng
interisland na kompayang pangdagat. Pangunahing daungan din ang Cebu, sa labas ng kapital, ng internasyunal na lipad sa bansa at ang pinakamahalagang sentro ng komersyo, pangangalakal, at industriya sa
Kabisayaan at
Mindanaw, ang mga katimogang bahagi ng bansa. Sang-ayon sa sensus noong
2000, mayroon itong populasyon na 718,821 katao sa 147,600 mga sambahayanan.