Ang
Kuala Lumpur o
Kuwala Lumpur (PPA: , ) ay ang
kabisera at pinakamalaking lungsod sa bansang
Malaysia. Ang Kuala Lumpur ay isa sa tatlong Teritoryong Pederal ng Malaysia. Ito ay isang
enclave sa loob ng estado ng Selangor, sa gitnang kanlurang pampang ng Tangwayang Malaysia. Masigasig na itinatawag ang lungsod na
KL ng mga taga-Malaysia. Ang mga naninirahan sa lungsod ay karaniwang tinatawagang mga
KLites o
Kuala Lumpurians. Ang lungsod ay ang lugar kung saan nakapuwesto ang pinakamataas na magkakambal na gusali sa buong mundo, ang makalarawang
Toreng Petronas.