Ang
Makati ay ang isang
lungsod ng
Pilipinas at ay isang lungsod na parte ng
Kalakhang Maynila. Ito ay ang sentro ng
pananalapi at
negosyo sa Pilipinas. Dito matatagpuan ang
Makati Central Business District o MCBD. Maraming mga maimpluwensyang mga
negosyante tulad ng pamilyang Ayala ang nakatira dito. Dati itong matatagpuan sa
lalawigan ng
Rizal ngunit inilipat ito sa
Kalakhang Maynila noong
1975. Tinatawag itong
Kabisera ng Pananalapi sa Pilipinas (
Financial Capital of the Philippines).