- Tungkol sa lungsod ang artikulong ito. Para sa bansa, tingnan ang Mehiko.
Ang
Lungsod ng Mehiko o
Lungsod Mehiko (
Kastila:
Ciudad de México o
Ciudad de Méjico;
Inggles:
Mexico City) ang punong lungsod at ang pinakamataong lungsod sa
Mehiko. Nakatayo ito sa gitnang talampas na dati ay isang lawa. Ang areang metropolitano nito, na ipinalalawak ng
Distritong Federal at ng mga
Estado ng México at
Hidalgo, ang isa sa pinakamalalaki sa buong daigdig at ang ikalawa o ikatlong pinakamatao sa populasyon ng 19.3 milyon (2005). Ang México ang sentrong pang-ekonomiya, pampolitika, at pangkultura ng bansa (dito ipinangalan ang bansa), ngunit hindi ito ang natatangi: Kapansin-pansin ang paglaki sa mga nagdaang taong ito ng mga lungsod tulad ng
Monterrey, na itinuturing bilang ang bagong sentrong pang-industrya ng bansa, at ng
Guadalajara.