Ang
lungsod ay isang dibisyon ng lokal na pamahalaan sa
Pilipinas. Kawangis ang antas ng mga lungsod sa mga
bayan, ngunit sa ilalim ng Kodigo ng Lokal na Pamahalaan ng
1991, binigbigyan ang mga lungsod ng espesyal na pagturing sa malaking bahagi ng
internal revenue allotment (IRA) na binubuong bahagi ng badyet ng lungsod. Binubuo ng mga
barangay ang mga lungsod, katulad ng mga bayan, at pinamamahalan ng mga hinalal na mga opisyal katulad ng Alkalde bilang Lokal na Punong Tagapagpaganap, Pangalawang Alkalde, at mga konsehal gayon din ang mga hinirang na mga opisyal na pinamumunuan ang iba't ibang mga lokal na tanggapan sa ilalim nila.