Ang
Lusiper ay isang pangalang kalimitang ibinibigay kay
Satanas sa pananampalatayang
Kristiyano dahil sa isang partikular na paliwanag at pagkakaunawang nabanggit sa
Aklat ng Isaiah ng
Bibliya. Sa mas tuwirang pagtukoy, sinasabing ito ang dating pangalan ni Satanas bago palayasin mula sa kaharian ng langit. Naging singkahulugan din ito ng
demonyo at
diyablo. Nangangahulugan ang mismong pangalang
Satanas ng
katunggali o
adbersaryo.