Lutuing Pilipino


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Lutuing Pilipino
Ang lutuing Pilipino ay ang pinagsanib na lutuin ng iba’t ibang mga pangkat etniko ng Pilipinas. Naimpluwensyahan ito ng mga lutuin ng mga AsyanoEuropeoMehikano at mga Amerikano. Ipinapakita sa lutong Pilipino ang kasaysayan ng Pilipinas. Lumitaw ang pagiging katangi-tangi at kaiba nito mula sa pagkakaroon ng batayan ng mga sangkap na Malay, Intsik, Hindu, Kastila, at Amerikano. Ang katutubo talagang pagkaing Pilipino ay malapit sa mga katutubong lutuin sa Indonesya, Malaysiya, Taylandiya, at ibang mga bansa sa Asya. Isa sa nakaugaliang gawi sa pagkain ng mga Pilipino ang pagkakamay o paghuhugis-bilog ng kanin sa pamamagitan ng mga daliri habang pinipisil sa plato bago isubo sa bibig.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.