Ang
Natatanging Rehiyong Pampangasiwaan ng Makaw (
Ingles:
Macau Special Administrative Region) na mas kilala bilang
Makaw (Ingles:
Macau o
Macao) ay isa sa dalawang espesyal na mga administratibong rehiyon ng
Tsina; ang isa pa ay ang
Hongkong. Binubuo ng tatlong pulo ang Makaw: ang Makaw, Taipa, at Coloane. Naging tahanan ng mga Portuges ang Makaw noong kasagsagan ng kalakalan. Kasalukuyang maraming mga dayuhan ang bumibisita sa Makaw, mga turista o mga negosyante man.