Ang
Apple Inc. , dating
Apple Computer Inc., ay isang
Amerikanong korporasyong multinasyunal na nakatuon sa pagbalangkas at paggawa ng mga elektronikong pang-konsyumer at produktong
software na may kaugnayan dito. Natatag sa
Cupertino,
California noong
Abril 1 1976, ang Apple ay gumagawa, nagbebenta, at sumusuporta sa isang serye ng mga
personal na kompyuter,
portable media players,
cellphones,
computer software,
computer hardware at aksesoryang
hardware. Noong Setyembre 2007, nagpapatakbo ang kumpanya ng mga 200 tingiang tindahan sa limang mga
bansa, at isang tindahang nasa
internet kung saan tinitinda ang produktong
hardware at
software. Mabibili naman sa iTunes Store ang mga
musika, audiobook, mga laro pang-
iPod, bidyong pang-musika, mga kabanata ng mga palabas sa
telebisyon, at
pelikula na maaaring kunin mula sa web sa pamamagitan ng iTunes sa Mac o
Windows, at gayon din sa iPod touch at ang iPhone. Ilan sa mga kilalang produktong
hardware ng kumpanya ang mga linya ng mga personal na kompyuter na
Macintosh, ang mga linya ng mga
portable media player na
iPod, at ang iPhone. Ilan sa mga produktong
software ng Apple ang
Mac OS X na
operating system, ang iLife na isang
software na pang-midya, at Final Cut Studio, isang
software panggawa ng propesyunal na pelikula o awdyo.