Ang
Mafia (na nakikilala rin bilang
Cosa Nostra, pariralang
Italyano na may kahulugang "Ang Bagay Natin") ay isang pangkat o sindikato ng krimen na nagsasagawa ng mga gawain sa maraming mga bahagi ng mundo na nalikha sa
Italya noong mahigit sa 200 mga taon na ang nakalilipas. Ang mafia ay kumikita ng salapi mula sa paggawa ng krimen. Nagkakamit sila ng bilyun-bilyong mga
dolyar bawat taon mula sa ganiyang mga krimen, katulad ng pagbebenta ng mga
ipinagbabawal na mga gamot, pagtatago ng salapi na kinita dahil sa hindi makabatas na mga paraan (
money laundering),
pagnanakaw,
pagsusugal (pagpapasugal), at
prostitusyon.