Sa
matematika, ang
magnitud o
magnitudo (Ingles:
magnitude) ng isang bagay ay ang sukat nito na isang katangian na maaaring ikumpara bilang mas malaki o mas maliit sa ibang mga bagay na magkapareho ang uri. Sa terminong teknikal, ito ay ang kaayusan (pagsusunud-sunod, paghahanay, o pagraranggo) ng klase ng mga bagay na kinabibilangan nito. Ito ay maaari ring pakahuluganan bilang halagang numerikal ng yunit (o klase) na kinabibilangan nito.