Ang mga
halamang namumulaklak, na tinatawag ding
Angiosperma,
Angiospermae o
Magnoliophyta ay ang nangingibabaw na mga halamang panlupa sa kasalukuyan. Kasama ng mga gymnosperm, binubuo nila ang mga halamang may buto. Kaiba sila mula sa mga gymnosperm dahil ang mga angiosperma ay nagkakaroon ng mga
bulaklak, at may nakalakip o nakasarang mga obyul. Ang mga gymnosperm ay nagkakaroon ng hubad na mga buto sa ibabaw ng mga alimusod (balisungsong) o sa mga kayariang bukas.