Mahatma


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Mahatma
Ang Mahatma (Mə-HÄT-mə) ay isang salitang Sanskit na nangangahulugang "Dakilang Kaluluwa" (महात्मा mahātmā: महा mahā [dakila] + आत्मं o आत्मन ātman [kaluluwa]). Kahalintulad ito ng paggamit sa modernong katagang Kristiyano na santo. Ang palayaw o epitetong ito ay inilalapat sa mga bantog na taong katulad nina Mohandas Karamchand Gandhi, Lalon Shah at Jyotirao Phule. Sinasabing si Rabindranath Tagore ang nag-ukol, o nagpatanyag, ng pamagat na ito para kay Gandhi.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.