Mandarin


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Wikang Mandarin
Ang Mandarin ay ang wika ng pagtuturo sa Tsina at Taiwan. Isa ito sa limang pangunahing mga wikang pangrehiyon ng Tsina. Mas lumaganap ito 1920a iba pang mga wikang rehiyonal, magmula sa buong hilagang bahagi ng Tsina pababa papunta sa Lalawigan ng Yunnan na nasa timog-kanluran sulok ng Tsina. Sa malaking lugar na ito, maraming mga pagkakaibang pangrehiyon kaugnay ng bokabularyo, kaya't ang isang taong lilipat mula sa Beijing papuntang Yunnan ay hindi mauunawaan ang mga taong nagsasalita ng sarili nilang wika, ang Yunnan hua o wikang Yunnan. Mas malaki ang suliranin kaysa sa isang taong nasa Gran Britanya o Estados Unidos na pupunta sa Australya. Kaya't magmula noong dekada ng 1920, naglaan ang pamahalaan ng Tsina ng isang wikang pambansa sa pinakamalawak na nauunawaang mga salita at mga pagbigkas.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.