Manetho


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Manetho
Si Manetho o Manethon (; ), na nakikilala rin bilang Maneto, Maneton, o Manetheo ay isang Ehipsiyong manunulat ng kasaysayan at pari mula sa Sebennytos (sinaunang wikang Ehipsiyo: Tjebnutjer) na namuhay noong panahong Ptolemaiko, na tinatayang noong ika-3 daantaon BK. Ilan sa mga manunulat ng kasaysayan ang nagpapanatili na si Manetho ay mula sa Roma at inakdaan niya ang kaniyang akda noong humigit-kumulang sa sirka 200 AD Isinulat ni Manetho ang Aegyptiaca (Kasaysayan ng Ehipto). Kaakit-akit para sa mga ehiptologo ang kaniyang gawa, at madalas na ginagamit bilang katibayan para sa kronolohiya ng mga pamumuno ng mga paraon. Ang pinakamaaga at nag-iisang nailigtas at umiiral na pagtukoy sa Aegyptiaca ni Manetho ay ang ginawang pagbanggit ni Hudyong manunulat ng kasaysayan na si Josephus, sa loob ng kaniyang akdang "Laban kay Apion".

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.