Si
Marcion ng Sinope (Griyego: Μαρκίων[1] Σινώπης, ca. 85-160 CE) ay isang obispo ng sinaunang
Kristiyanismo. Ang kanyang teolohiya ay tumatakwil sa
diyos na inilalarawan sa
Tanakh at inilalarawan ito bilang isang mababang diyos kumpara sa diyos ng
Bagong Tipan. Dahil sa pananaw na ito, si Marcion ay binatikos at itiniwalag ng mga
ama ng simbahan. Ang kanyang pagtakwil sa maraming mga aklat na sa panahong ito ay itinuturing na Kasulatan sa sektang katoliko o
proto-orthodox ng Iglesia ay nagtulak sa
proto-orthodox na bumuo ng
kanon na katoliko ng mga kasulatan.