Si
Marya o
Maria (Hebreo: מִרְיָם, Miriam; Aramaiko: Maryām; Arabiko: مريم, Maryam) at tinatawag ring
Santa Marya,
Inang Marya, ang
Theotokos,
Mapalad na Birheng Marya,
Ina ng Diyos,
Maryam na ina ni Isa(sa Islam) ayon sa tradisyong Kristiyano at Muslim ang ina ni
Hesus. Ayon sa
bibliya partikular na sa apat na
kanonikal na ebanghelyo ang ina ni
Hesus na nagmula sa Nazareth, Galilea. Siya ay itinuturing ng maraming mga Kristiyano na unang akay sa
Kristiyanismo. Siya ay isinasaad sa Bagong Tipan sa Mateo 1:16,18-25 at Lucas 1:26-56, 2:1-7 at sa
Quran bilang ina ni
Hesus sa pamamagitan ng interbensiyon ng
diyos. Ang kanyang anak na si Hesus ay pinaniniwalaan ng maraming mga Kristiyano na ang
mesiyas at ang
diyos na nagkatawang tao. Si Hesus ay itinuturing sa Islam na mesiyas at ang ikalawang pinakamahalagang propeta sa lahat ng mga propeta sa Islam at mas mababa sa huling propetang si
Muhammad. Siya ay inilalarawan sa
Ebanghelyo ni Mateo at
Ebanghelyo ni Lucas bilang isang
birhen(parthenos sa Griyego) na
naglihi ng milagroso kay Hesus sa pamamagitan ng ahensiya ng banal na espirito. Ang mga Muslim ay naniniwala na siya ay naglihi sa pamamagitan ng utos ng
diyos.