Si
Marie Sklodowska-Curie (ipinanganak bilang si
Maria Salomea Sklodowska, 7 Nobyembre 1867 – 4 Hulyo 1934) ay isang
kimiko na kilala para sa kaniyang pagsasaliksik na naging batayan ng
radyoaktibidad at ng larangan ng radyolohiya. Siya ang unang babaeng nakatanggap ng
Gantimpalang Nobel—sa kimika at sa
pisika, ang unang babaeng propesor sa Pamantasan ng Paris, at ang unang babaeng inilibing sa Panthéon ng
Paris dahil sa sariling sikap.