Ang
Marsella (Pranses:
Marseille, Oksitano:
Marselha o
Marsiho, Inggles:
Marseilles), kilala sa lumang panahon bilang
Massalia (mula sa Griyego: Μασσαλία), ay ang ikalawang pinakamalaking lungsod sa
Pransya, kasunod ng
Paris, na may populasyong 852,395 sa mismong lungsod na may laki na 240.62 km² (93 mi²). Ang teritoryong urbano ng Marsella ay lampas pa sa bakuran ng lungsod at ang populasyon ay higit sa 1.4 milyon na may laki na 1,204 km² (465 mi²). 1.5 o 1.6 milyong katao ang naninirahan sa buong kalakhan ng Marsella, sa gayon ito ang ikatlo sa hanay ng mga kalakhang Pranses, kasunod ng Paris at
Lyon. Matatagpuan sa timog-silangang baybayin ng Pransya sa
Dagat Mediteraneo, ang Marsella ay ang pinakamalaking daungang pangkalakalan ng Pransya at pinakamalaking lungsod na Pranses sa gilid ng Mediteraneo. And Marsella ay ang kabisera ng rehiyon ng Provenza-Alpes-Costa Azul, at gayun din ng lalawigan ng Bocas del Rodano. Ang mga mamamayan nito ay tinatawag na
Marseillais.