Marte (mitolohiya)


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Marte (mitolohiya)
Si Mars o Marte (, mga panguri, Martius at Martialis) ang Romanong diyos ng digmaan at isa ring tagapagbanta ng agrikulturang Romano na isang magkahalong katangian ng maagang sinaunang Roma. Siya ay ikalawa sa kahalagahan kay Hupiter at ang pinaka-prominente sa mga diyos na pang-hukbo na sinasamba ng mga lehiyong Romano. Ang kanyang mga pista ay idinadaos tuwing Marso na buwang ipinangalan sa kanya(Latin na Martius) at sa Oktubre na nagsisimula at nagwawakas ng panahon para sa pangangampanyang pang-hukbo at pang-pagsasaka. Sa ilalim ng impluwensiya ng kulturang Griyego, si Mars ay kinikilala sa diyos ng mitolohiyang Griyego na si Ares na ang mga mito ay muling pinakahulugan sa Panitikang Romano at sining Roma sa ilalim ng pangalang Mars. Gayunpaman, ang katangian at dignidad ni Mars ay iba sa mga pundamental na paraan kay Ares na kadalasang kinamumuhian sa panitikang Griyego. Si Mars ay bahagi ng Kapitolinong Triad kasama nina Hupiter at Quirinus na ang huli bilang isang tagapagbantay ng mga Romano ay walang katumbas sa mitolohiyang Griyego. Ang dambana ni Mars sa Campus Martius na lugar sa Roma na kumuha ng pangalan nito mula sa kanya ay ipinagpapalagay na inalay sa mismong si  Numa Pompilius na maibigin sa kapayapaang kalahating maalamat na ikalawang hari ng Roma. Bagaman ang sentro ng pagsamba kay Mars ay orihinal na matatagpuan sa labas ng pomerium o sagradong hangganan ng Roma, dinala ni Augustus si Mars sa sentro ng relihiyon ng Sinaunang mga Romano sa pamamagitan ng pagtatayo ng Templo ni Mars Ultor sa Forum ni Augustus.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.