Ang
masa ay ang dami o bilang ng
materya sa loob ng isang katawan. Pareho ang masa ng isang bagay saan man ito naroroon. Maaaring isipin ang masa bilang ang dami ng mga materyales na nakapaloob sa isang bagay, sa paraan na hindi nakadepende sa kung gaanong karaming espasyo o puwang ang napupuno.