Ang
Masbate ay isang
lalawigan ng
Pilipinas na matatagpuan sa
rehiyon ng
Bicol. Binubuo ang lalawigan ng tatlong pulo:
Ticao,
Burias at
Masbate.
Baka,
isda,
manganese, at kopra ang pangunahing produkto rito. Nagkaroon na rin minsan ng isang minahan sa pulo ng Masbate sa munisipyo ng
Aroroy. Pangunahing atraksyon sa lalawigang ito ang Rodeo Masbateño na kadalasang ginagawa tuwing buwan ng
Abril sa lungsod ng
Masbate, ang kapital ng lalawigan.