Mateo ang Ebanghelista


Tagalog na Wikipedia - ang malayang encyclopediaDownload this dictionary
Mateo ang Ebanghelista
Si San Mateo ay isang santo ng Romano Katoliko na naging kabilang sa unang labindalawang alagad ni Hesus. Dati siyang maniningil ng buwis sa ngalan ng Imperyong Romano. Bilang apostol, pagkaraan ng pamumuhay ni Hesukristo sa mundo, nangaral siya sa Hudea. Siya ang nakaugaliang tinuturing na may-akda ng Ebanghelyo ni Mateo, ang unang ebanghelyong matatagpuan sa Bagong Tipan ng Bibliya. Ayon rin sa kinaugalian, siya ang nagdala ng Kristiyanismo sa Silangan. Kilala rin siya bilang ang dating si Levi, anak ni Alfeo.

 Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang Wikipedia.org...


© Ang artikulong ito ay gumagamit ng materyal mula sa Wikipedia® at lisensyado sa ilalim ng GNU Free Documentation License at sa ilalim ng Creative Commons Attribution-ShareAlike License.