Ang
maulap na hamog o
mausok na hamog ay isang kalipunan ng mga maliliit na mga patak ng tubig o mga kristal ng yelong nakalutang sa hangin o malapit sa ibabaw ng mundo. Habang ang hamog ay isang uri ng
ulap, naiiba ang maulap na hamog mula sa salitang
ulap dahil mababa ang hamog na maulap, ang pamamasa sa maulap na hamog ay kadalasang lokal na nalilikha (katulad ng mula sa isang malapit na katawan ng tubig, tulad ng isang lawa o ang karagatan, o mula sa isang malapit na mamasa-masang lupain o latian).