Si
Max Karl Ernst Ludwig Planck (
Abril 23,
1858 –
Oktubre 4,
1947) ay isang
pisikong Aleman. Siya ay ginawaran ng
Gantimpalang Nobel noong 1918 "bilang pagkilala sa kanyang mga serbisyong ibinigay sa pagsusulong ng pisika sa pamamagitan ng kanyang pagkakatuklas ng enerhiyang quanta". Siya ay itinuturing na tagapagtatag ng
teoriyang quantum at isa sa pinakamahalagang pisiko ng ika-20 dantaon. Si Planck ay nakagawa ng maraming mga ambag sa pisikang teoretikal ngunit siya ay pangunahing kilala sa kanyang papael bilang tagpagpasimula ng teoriyang quantum. Ang teoriyang ito ay nagpabago ng pagkaunawa sa mga prosesong atomiko at subatomiko kung paanong ang teoriya ng relatibidad ni
Albert Einstein ay nagpabago ng pagkaunawa sa espasyo at panahon. Ang parehong ito ay bumubuo ng pundamental na mga teoriya ng ika-20 siglong
pisika. Ang pareong ito ay nagtulak sa sangkatauhan na baguhin ang ilang mga pinakaiingatang paniniwalang pilosopikal nito at nagdulot ng mga aplikasyong pang-industriya at pang-hukbo na umaapekto sa maraming mga aspeto ng modernong pamumuhay.