Ang
Meka, na binabaybay ding
Mecca o
Makkah (ginagamit ang
Mecca sa mas matatandang mga teksto; may opisyal na pangalang
Makkah al-Mukarramah;
Arabe: مكة المكرمة) ay isang
lungsod sa
Saudi Arabia. Mayroong 1,294,169 katao ang namumuhay doon . Ang lungsod ay may sukat na 73 kilometro (45 milya) paloob ng lupa magmula sa
Jeddah, na nasa makipot na mabuhanging Lambak ni Abraham, 277 metro (909 talampakan) na nakataas sa antas ng dagat. Nakalagak ito na 81 kilometro (50 milya) magmula sa
Dagat na Pula.