Si
Merlin ay isang malamat na katauhan na nakikilala bilang
salamangkerong tampok sa alamat ni Haring Arthur. Ang pamantayang paglalarawan ng tauhan ay unang lumitaw sa
Historia Regum Britanniae ni Geoffrey ng Monmouth na naisulat noong
c. 1136, at ibinatay sa amalgamasyon dating mga pangkasaysayan at pang-alamat na mga pigura. Pinagsama-sama ni Geoffrey ang umiiral nang mga kuwento ni Myrddin Wyllt (Merlinus Caledonensis), isang Hilagang Brythonikong
propeta at
baliw na walang kaugnayan kay
Haring Arthur , at ang mga salaysay ng Romano Britanikong pinuno ng digmaan na si Ambrosius Aurelianus upang mabuo ang pigurang komposito na tinawag niyang
Merlin Ambrosius .