Ang
Mesopotamya (
Griyego: Μεσοποταμία, isinalin mula sa Sinaunang Persiko na
Miyanrudan "ang Lupain sa pagitan ng mga Ilog"; sa pangalang Aramaic na
Beth-Nahrain "Bahay sa Dalawang Ilog"), ay isang lugar sa
Timog-kanlurang Asya.Ito ang Iraq at kanlurang Syria sa kasalukuyan. Sa isang mahigpit na pananalita, ito ang kapatagang
alluvial na matatagpuan sa pagitan ng mga ilog ng
Tigris at
Euphrates, binubuo ng mga bahagi ng
Iraq at
Syria. Sa mas pangkaraniwang gamit, kabilang sa termino ang mga ilog kapatagan nito sa kabuuan at kasama din ang mga napapaligirang teritoryo ng Disyerto ng Arabia sa kanluran at timog, ang Gulpo Persiko sa timog-silangan, ang
mga Bundok ng Zagros sa silangan at mga bundok ng
Caucasus sa hilaga. Kilala ang Mesopotamya bilang ang lugar ng ilang sa mga pinakamakasaysayang kabihasnan o sibilisasyon sa daigdig.