- Tinatalakay ng artikulong ito ang lipi. Para sa tao, tingnan ang Levi.
Ang
mga Lebita (
Ebreo: לוים,
levim), kilala rin bilang ang
lipi ni Levi, ang mga inapo ni
Levi, isa sa mga anak ni
Jacob. Binubuo nila ang isa sa
labindalawang lipi ng Israel at, kasama ng mga lipi ng
Juda, Simeon, at
Benjamin, isa sila sa mga ninuno ng mga kasalukuyang mga
Hudyo. Ayon sa
Henesis, dulot ng dahas nina Levi; at ng kaniyang kapatid na si Simeon ang kakaibang kapalaran ng kanilang mga lipi sa sinaunang Israel: ang una ang naging liping klerikal na walang lupa at ang pangalawa ay napunta sa Juda. Isang miyembro o kasapi sa linya o guhit ng mag-anak ni Levi ang isang Lebita. Nagmula ang lahat ng mga pari ng kanilang pananampalataya sa tribo ni Levi. Naglilingkod ang ibang mga Lebita sa loob ng templo at nagsisilbing mga tagapagturo o guro ng
batas.