Ang
mga Saksi ni Jehova o
Jehovah's Witnesses ay isang milenyariyanong restorasyonistang denominasyong
Kristiyano na may mga paniniwalang
hindi Trinitariano. Ang samahang ito ay nag-uulat ng pandaigdigang mga kasapi ng higit sa 7.78 milyon na nasasangkot sa ebanghelismo, mga pagdalo sa kombensiyon nito ng higit sa 12 milyong at taunang mga pagdalo ng pag-alala sa kamatayan ni
Hesus ng higit sa 19 milyon. Sila ay pinangangasiwaan ng nangangasiwang katawan ng mga Saksi ni Jehova na isang pangkat ng mga nakatatanda sa
Brooklyn, New York na gumagawa ng lahat ng mga doktrina at mga patakaran. Ang kanilang sariling salin ng
bibliya ang
New World Translation of the Holy Scriptures. Naniniwala sila na ang pagkawasak ng kasalukuyang sistema ng mundo sa
Armageddon at malapit na at ang pagtatatag ng kaharian ng
Diyos sa mundo ang tanging solusyon sa lahat ng mga problemang kinakaharap ng sangkatauhan.